Palasyo dinepensahan si Duterte sa pahayag niya tungkol sa isang alkalde

307
Image via PCOO

Usap-usapan ngayon ang di umano’y pagbibiro ni Pangulong Rodrigo Duterte sa alkalde ng Garcia-Hernandez na si Tita Gallentes.

Sa campaign rally ng PDP Laban nitong Miyerkules ng gabi, sinabi niya sa publiko ang paghanga sa kagandahan ni Gallentes.


“No, Ma‘am, I just talk like that but I‘m just joking. And you are truly beautiful. If it were me, why would I ever break up with you? I will really grab and hold on to your panty if you try to leave, even until the garter snaps. You‘re just too beautiful,” ito ang translated na mensahe ng Pangulo mula sa transcript ng Palasyo.

Binanggit din niya sa kanyang talumpati na alagaan muna ni Special Assistant to the President at tumatakbong Senador na si Bong Go ang kanyang common law wife habang ‘pumapagibig’ sa Bohol

“Can you run away with me? You have children, don‘t you mayor? How many children do you have? I have three – four. I have four but they‘re all grown up already so I don‘t have a problem there anymore,” dagdag pa ni Digong.

Samantala, naglabas ng saloobin ang grupong Gabriela sa ginawa ni Duterte. Para sa kanila, huwag palagpasin ang mga salitang masasakit na binibitawan ng Pangulo tungkol sa mga kababaihan. Kaya pati ang ipis, hindi maiwasan na dumapo sa kanya.





Agad naman dumipensa si Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa naging pahayag ng Pangulo. Mas nagiging mabenta sa mga tao kapag nagiging kuwela ang Pangulo.

“Pag si Presidente, nagpapatawa lang ‘yon. People are always expecting na magpapatawa siya. Yun ngang girl tawa nang tawa kasi kilala niya si Presidente na ganun,” ani Panelo.

Dagdag pa niya, ang pagiging kuwela ni Duterte ang bumebenta sa mga tao.

Facebook Comments