Palasyo, dinipensahan ang PNP kasunod ng pagkakasama ng Pilipinas sa listahan ng mga bansang mapanganib

159

Manila, Philippines – Ipinagtanggol ng Malacañang ang Philippine National Police o PNP hinggil sa usapin ng seguridad matapos mapasama ang Pilipinas sa listahan ng US state department ng mga bansang may mataas na panganib ng kidnapping.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, palagi namang nakaalerto ang mga pulis at nagsasagawa ng intelligence surveillance.


Gayunman, aminado si Panelo na nalulusutan pa rin ng insidente ng pagdukot.

Katwiran ni Panelo, nangyayari rin naman ito sa kahit saang bansa.

Facebook Comments

From Advertisers