Palasyo, dumipensa sa hindi pagdalo ni PRRD sa EDSA People Power anniversary

328

Manila, Philippines – Dumepensa ang Malacañang sa hindi pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-33 taong anibersaryo ng 1986 People Power Revolution ngayong araw.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, dadalo kasi ang Pangulo sa unang national assembly ng liga ng mga barangay sa Pilipinas sa SMX Convention Center.

Bagaman wala ang Pangulo sa selebrasyon ng EDSA sinabi ni Panelo na magpapadala na lamang ito ng kinatawan at mensahe para sa pagdiriwang.

Mababatid na ito na ang ikatlong pagkakataon na hindi dadalo ang Pangulo sa nasabing okasyon mula nang maupo ito sa puwesto noong 2016.

Facebook Comments