Palasyo, hindi pa masabi kung magkakaloob ang national gov’t ng ayuda sa mga nasa ECQ areas

390

Makikipagpulong pa lamang si Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque kay Budget Secretary Wendell Avisado.

Ito ay kaugnay sa posibleng ayuda na ipagkakaloob ng national government sa mga residente ng Iloilo City, Iloilo province, Cagayan de Oro at Gingoog City na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) hanggang Hulyo a-31.


Ayon kay Roque, sa Miyerkoles malalaman ang tugon dito ng Department of Budget and Management (DBM).

Pero ayon sa kalihim, kapag ang isang lugar ay sakop ng ECQ ay otomatikong may ayudang ipinagkakaloob sa mga apektadong residente.

Kapag nasa ilalim kasi ng ECQ ang isang lugar, halos lahat ng negosyo at mga establisyimento ay sarado, dahilan upang mawalan ng hanapbuhay at kita ang mga residente.

Hindi pa nga lamang masabi sa ngayon ng kalihim kung magkano at kailan maibibigay ang tulong pinansyal.



Facebook Comments