Palasyo, hindi pinagdududahan ang kwento ng mga mangingisdang Pinoy

Iginiit ng Malacañan na hindi nila pinagdududahan ang kwento ng mga Pilipinong mangingisda na sinalpok ng Chinese fishing boat sa Recto o Reed Bank.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – masyado pang maaga para sabihin kung sino ang dapat managot dito.

Pero sinabi ni Panelo – na walang Tsino dapat ang nasa Recto Bank.


Binigyang diin pa ni Panelo na hindi alipin ang Pilipinas sa kaninumang bansa.

Nanindigan din ang Palasyo na hindi nananahimik ang Pangulong Duterte sa isyu kundi nangangalap lamang ng impormasyon bago magsalita.

Facebook Comments