Palasyo, hinihikayat ang lahat na mag-register sa StaySafe.ph para sa contact tracing efforts ng pamahalaan

Umaasa ang Palasyo na ida-download at gagamitin ng bawat Pilipino ang contact tracing application ng pamahalaan na StaySafe.ph.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ang paggamit ng StaySafe.ph ay para magkaroon tayo ng uniform application na layuning mapabuti at mapahusay ang contact tracing capability ng pamahalaan.

Ang StaySafe.ph ay isang community-driven contact-tracing, health condition reporting, at social distancing system na dinevelop sa pamamagitan ng partnership ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), National Task Force COVID-19 at Multisys Technologies Corporation.


Aniya, sa pamamagitan ng StaySafe.ph ay maaaring i-report ng isang indibidwal ang kanyang health condition at makatulong sa contact-tracing efforts ng pamahalaan.

Samantala, tiniyak naman ni Multisys Technologies Corporation CEO David Almirol Jr., na ligtas gamitin ang StaySafe.ph, taliwas sa pangamba ng marami na maaring gamitin bilang isang surveillance application.

Facebook Comments