Palasyo, ipinaliwanag kung bakit ilang araw hindi nasisilayan ng publiko si PRRD

Ipinaliwanag ng Malacañan kung bakit ilang araw nang hindi nasisilayan ng publiko si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – abala ngayon ang Pangulo sa pagdalo ng private meetings at courtesy calls.

Marami rin aniya siyang inaasikasong paperworks.


Matatandaan ang huling public engagement ng Pangulo noong August 9 nang daluhan niya ang 199th Police Service Anniversary sa Kampo Krame sa Quezon City.

Facebook Comments