Palasyo, itinangging may napili nang susunod na chief justice si PRRD

119

Manila, Philippines – Umapela ang Malakanyang sa publiko na hintayin na lamang ang tamang oras ng pag-anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte kung sino ang hihirangin nitong susunod na punong mahistrado ng Korte Suprema.

Ito ang sinabi ni Presidential spokesman Atty. Salvador Panelo matapos lumabas sa ilang social media ang pagbati para kay Supreme Court Associate Justice Diosdado Peralta Jr.


Sa isang Facebook page ay binabati na si Peralta ng ilang kaibigan nito at sinabi pang tinawagan ito ni Panelo habang nagli-lecture sa isang event sa Tagaytay City kahapon at sinabing pirmado na ni Pangulong Duterte ang kanyang appointment paper.

Gayunpaman, sinabi ni Panelo na wala pang kumpirmasyon ang balitang ito.

Ngayon ang huling araw sa pwesto ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin para sa kanyang compulsory retirement.

Facebook Comments

From Advertisers