Palasyo, kampante sa aksyon ng DOH kontra dengue

66

Tiwala ang Malacañang sa ginagawang aksyon ng Department of Health (DOH) para pigilan ang paglobo ng kaso ng dengue sa bansa.

Kasunod ito ng idineklarang national dengue alert ng ahensya.


Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo – hindi na kailangang maglabas ng direktiba ni Pangulong Duterte hinggil dito dahil alam naman ni DOH Secretary Francisco Duque III ang kanyang trabaho.

Kumpiyansa rin ang Malacañang na malalampasan ng bansa ang pagharap sa banta ng dengue.

Facebook Comments

From Advertisers