Palasyo nag-paabot ng pakikiramay sa pag-panaw ng basketball legend na si Kobe Bryant

Nagpaabot ng pakikiramay ang Palasyo sa pagpanaw ng 41 year old NBA legend na si Kobe Bryant at ng anak nito matapos magcrash ang sinasakyang helicopter kaninang madaling araw sa Los Angeles.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kaisa sila ng naiwang pamilya, mga malalapit sa buhay at mga tagahanga ni Bryant, na nalukungkot ngayon sa balitang ito.

Si Bryant aniya ay palaging bumibisita dito sa Pilipinas, at mahal ng mga Filipino fans, lalo’t bihasa ito sa kaniyang larangan.


Isang legend aniya ang nawala sa basketball world.

Kasama ni Kobe sa nasabing pagbagsak ng helicopter ang kaniyang 13 year old na anak na si Gianna, at pitong iba pa.

Facebook Comments