Palasyo, nagpaabot ng pagbati sa mga bagong doktor

64

Nagpaabot ng pagbati ang Palasyo sa mga nakapasa sa physician licensure examination.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, binabati nila ang mga bagong doktor ng bayan.


Binati rin ni Roque si Janine Patricia Robredo, anak ni Vice President Leni Robredo, na kasama sa mga pumasa sa naturang pagsusulit.

Sinabi pa ni Roque na ngayong pandemya kabilang sa mga bagong bayani ay ang mga doktor.

Umaasa si Roque na makaka-graduate at makakapasa rin sa kaparehong pagsusulit ang kaniyang anak upang magkaroon na aniya sya ng doktor na anak.

Panghuli, binati rin ng kalihim ang proud parents ng mga bagong doktor ng bansa.




Facebook Comments