Palasyo nagpahatid ng pakikiramay sa pagpanaw ni Gina Lopez

Manila, Philippines – Nagpaabot na ng pakikiramay ang Palasyo sa mga naulilang mahal sa buhay, mga kaibigan at mga kaanak ni Secretary Gina Lopez.

Sa inilabas na pahayag ni Presidential spokesman Atty. Salvador Panelo, sinabi nitong labis ang pagdadalamhati ng Malakanyang sa pagpanaw ng pinaka-passionate na miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte, na ang adbokasiya para sa kalikasan ay hindi kailanman mapapantayan ninuman.

Natatangi aniya si Secretary Lopez na hindi natinag at natakot na harapin ang mga makapangyaring interes sa sektor ng pagmimina at malalaking industriya na nagdudulot ng masamang epekto sa ecology ng bansa.


Ayon kay Panelo, tiyak na mami-miss nila si Lopez.

Kasabay nito ang panalangin aniya ng Palasyo para sa ikatatahimik ng kaluluwa ng isang mandirigma o warrior sa katauhan ni Secretary Lopez.

Facebook Comments