Palasyo, nananatiling tiwala kay DPWH Sec. Villar

58

Muling inihayag ng Malacañang na patuloy pa ring mapagkakatiwalaan si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar.

Ito ang pahayag ng Palasyo matapos ipag-utos ang imbestigasyon hinggil sa umano’y korapsyon sa ahensya.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, si Villar ay may pinag-aralan at nagtapos sa premyadong unibersidad sa mundo.

Dagdag pa ni Roque, walang bahid ng katiwalian si Villar at nananatiling malinis ang kanyang record bilang public servant.

Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na magagawang mangurakot ni Sec. Villar dahil mayaman na ang mga ito.

Facebook Comments