Palasyo, nilinaw ang pahayag ni Pangulong Duterte sa hindi pa nakokolektang estate tax

121

Nilinaw ng Malakanyang na paalala lamang sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagsita ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa hindi nakokolektang estate tax.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson Martin Andanar, pangangalampag lamang sa BIR ang ginawa ng pangulo para makolekta ang buwis mula sa mga personalidad na may utang sa gobyerno.

Aniya, sadyang kailangan ng pondo ng pamahalaan para ilaan sa pangangailangan ng ating mga kababayan at mga proyekto.


Sa kabila nito, hindi naman pinangalanan ni Pangulong Duterte kung kanino dapat kolektahin ang nasabing buwis.

Facebook Comments