Palasyo, nilinaw na nasa first wave pa lang ang bansa sa COVID-19 pandemic

44

Kinontra ng Malakanyang ang naging pahayag ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na nasa second wave na ng COVID-19 ang Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakawala ang bansa sa first wave ng sakit.


Aniya, masasabi lang na may 2nd wave na kung may biglaang pagtaas ng kaso sa bansa.

Humingi naman ng paumanhin ang Malakanyang sa tila kalituhan sa publiko hinggil rito.

Facebook Comments