Palasyo, pinakakalma ang publiko sa posibleng pagkakaapekto ng passport data breach sa Nat’l ID System

Manila, Philippines – Pinawi ng MalacaƱang ang pangamba ng publiko na baka na makompromiso National ID System matapos ang passport data breach.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, maaga pa para maglabas ng konklusyon na komokonekta sa passport breach at National ID System.

Aniya, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi papayagan na magkaroon ng data breach sa National ID System lalo na at ito ay kinokonsiderang maselang usapin.


Kung nagkaroon man ng insidente ng data breach sa nakaraang panahon tulad ng nangyari sa Comelec noong 2016 sinabi ni Panelo na hiwalay naman itong ahensya at hindi saklaw ng ehekutibo.

Facebook Comments