Kumpiyansa ang Malacañang na susuportahan ng mga bagong opisyal na naluklok sa pwesto ang mga ang magagandang programa ng administrasyong Marcos.

Partikular na rito ang ₱20/kilo ng bigas na mabibili na sa mga Kadiwa Center sa bansa.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi naman lingid sa kanilang kaalaman na magkakaroon ng transition sa liderato sa mga lokal na pamahalaan dahil sa mga bagong nanalong opisyal.

Pero positibo naman silang susuportahan ang murang bigas program anuman ang partido pulitikal ng mga ito.

Giit ni Castro, ang murang bigas ay para sa lahat ng Pilipino, at walang pinipiling kulay kaya umaasa silang magiging matagumpay ito sa tulong na rin ng mga bagong halal na opisyal ng bayan.

Facebook Comments