Palasyo, sinabing nasa “BFF price” ang Sinovac vaccines

57

Pasok sa tinatawag na “Best Friend Forever” o BFF Price ang mga bakuna ng China na Sinovac.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque matapos lumabas ang mga ulat na pumapangalawa ang Sinovac sa pinakamahal na bakuna na umaabot sa P3,629 ang 2 doses.


Ayon kay Roque, nabigyan tayo ng presyo ng bakuna na presyong BFF.

Katwiran pa ng kalihim, komunista ang China at ang presyuhan nila ng mga bakuna ay hindi market driven bagkus ito ay “unilaterally fix”.

Sa katunayan, ani Roque, nasa pangatlong pinakamahal ang Sinovac mula sa 6 na mga brands ng bakuna na nangangahulugang nasa mid-range lamang ang presyuhan nito.

Sa huli, pinasaringan pa nito ang mga kritiko at sinabing gawa-gawa lamang nila ang isyu na pinakamahal na bakuna ang Sinovac.




Facebook Comments