Palasyo, tinabla ang pahayag ni Roque na fake news ang DOJ

“WE ARE READY FOR YOU.”

Ito ang sagot ng Palasyo sa alegasyon ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na fake news si Justice Sec. Jesus Crispin Remulla sa pagsasabing tinanggihan ng The Netherlands ang hirit niyang political asylum.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, pinaghadaan nila si Roque at dapat lamang nitong tandaan na mayroong intelligence assets ang Department of Justice o DOJ.

Sa ganitong paraan aniya nakukuha ng pamahalaan ang mahahalagang impormasyon.

Kaugnay nito’y nagpasalamat si Castro kay Roque sa pag-anunsyo ng kanyang mga hakbang.

Facebook Comments