Palasyo tiniyak na walang mangyayaring masama kay Col Espenido

233

Hindi hahayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na may mangyaring masama sa kontrobersyal na si Lieutenant Colonel Jovie Espenido.

Matatandaang nadawit ang pangalan ni Espenido sa transaksyon ng ilegal na droga.


Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo reaksyon ito ng Palasyo matapos maghayag ng takot si Espenido dahil posible umano syang patahimikin at iligpit ng gobyerno.

Sinabi ni Panelo na hindi maiaalis kay Espenido ang takot at pangamba sa kanyang buhay pero hindi aniya hahayaan ni Pang Duterte na may mangyaring hindi maganda dito.

Si Espenido ay matatandaang pinangunahan ang anti-drug operations laban sa ilang narcopoliticians na ngayom ay inaakusahang kasama o kabilang sa Duterte’s “narco-list.”

Una naring nilinis ng Pangulo ang pangalan ni Espenido at sinabing black propaganda lamang ito pero iginiit na hindi parin ito lusot sa anumang imbestigasyon

Facebook Comments