Palasyo, tiniyak na walang pondong magagamit sa kampanya ng mga kandidatong pambato ng Pangulo

76

Manila, Philippines – Tiniyak ng Malacañang na walang pondo ng gobyerno ang magagamit sa pangangampanya ng mga kandidatong ini-indorso ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, natitiyak niyang hindi papayag ang Pangulo na magamit sa ibang paraan ang government resources.

Sabi pa ni Panelo, batid naman ng mga kandidato na sa simula pa lang ay kailangan nilang maglaan ng pondo para sa kanilang pangangampaniya.

Facebook Comments