Sunday, June 7, 2026

Palasyo, umaapela ng disiplina sa mga taga-suporta ni Sen. Bato at VP Sara

Nanawagan ang Malacañang ng mapayapang kilos-protesta sa mga taga-suporta nina Senador Ronald “Bato” dela Rosa at Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Palace Press Officer at Communications Usec. Claire Castro, may karapatan ang bawat isa na magpahayag ng saloobin, pero hindi dapat ito mauwi sa gulo, pananakot, o pambabastos sa kapwa.

Binigyang-diin din ni Castro na hindi kailangang gumamit ng dahas o mang-harass para lang ipakita ang suporta sa isang opisyal.

Pahayag ito ng Malacañang matapos ang umano’y pang-ha-harass at pagmumura kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag ng ilang mga nagpoprotesta sa labas ng Senado.

Facebook Comments