Palasyo, umaasang matatapos ang pagpapabakuna sa health workers sa lalong madaling panahon

24

Umaasa ang Malacañang na makukumpleto ang pagpapabakuna sa mga healthcare workers laban sa COVID-19 sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, aabot sa 3.4 million heath workers ang kailangang mabakunahan ng pamahalaan.


Pagkatapos na mabakunahan ang mga health workers ay para agad na magsasagawa ng inoculation para sa mga senior citizen.

Batay sa priority groups para sa vaccination, mauuna ang health workers, kasunod ang mga senior citizens, susundan ng persons with comorbidities, frontline personnel sa essential sectors, indigent populations, mga guro at social works, iba pang government workers at essential workers, OFWs at ang nalalabing bahagi ng populasyon.

Facebook Comments