PALPAK | DOJ, sablay sa paghabol sa mga sangkot sa krimen at katiwalian – Senator Villanueva

40

Manila, Philippines – Napuna ni Senator Joel Villanueva na tila puro sablay
ang estratehiya ng Department of Justice o DOJ sa paghabol sa mga sangkot
sa krimen at katiwalian.

Reaksyon ito ni Villanueva makaraang pumutok ang balita ngayon na
isinailalim na ng DOJ sa Witness Protection Program ang umano’y pork barrel
queen na si Janet Lim Napoles.

Inihalimbawa din ni Villanueva ang pagbawas ng 1,000 para hindi pumasok sa
plunder ang kaso laban kina dating Immigration Associate Commissioners Al
Argosino at Michael Robles na inaakusahan ng pangongotong sa negosyanteng
si Jack Lam.

Tinukoy din ni Villanueva ang pag-abswelto ng DOJ panel kina Kerwin
Espinosa, Peter Lim, Peter Co at iba pang personalidad na sangkot sa iligal
na droga.

At ngayon aniya ay ang pagturing na kay Napoles bilang isang testigo.

Sa kabila nito, ay patuloy namang umaasa si Villaneuva, na may mabuting
layunin o kakahinatnan pa rin ang mga aksyon ng DOJ.

Senator Joel Villanueva:

I really hope the DOJ has a good strategy in going after those who are
guilty of crime and corruption. So far, I haven’t seen that in the way the
Secretary handled the immigration issue where a P1,000 peso disappeared so
the case was downgraded from plunder to an ordinary criminal case, with the
case of Espinosa and Lim being dismissed and now with Napoles turning into
state witness. I don’t want to preempt their approach. But really hope he
has a good one.

Facebook Comments