PALUSOT? | Argentinian cops, sibak matapos isisi sa daga ang nawawalang marijuana sa kanilang police station

54

Pilar, Argentina – Sibak ang walong Argentinian police matapos na mawala ang nasa 1,000 pounds na marijuana sa kanilang police warehouse.

Gagamitin sana itong ebidensya laban sa mga nahuli nilang suspek.

Bukod sa hindi makapagpaliwanag, isinisi pa ng mga pulis sa daga ang pagkawala ng mga marijuana.

Anila, baka raw kinain ito ng daga!

Hindi kumbinsido ang mga imbestigador sa rason nila dahil imposible raw na mapagkamalang pagkain ng mga daga ang marijuana.

At kung nakain man daw ito ng mga daga, eh di sana ay namatay ang mga ito at nakita ang bangkay na pakalat-kalat sa warehouse.

Facebook Comments