PALYADO! | BOC, isinisisi sa palyadong intelligence kung bakit nakalusot ang ₱6.8 billion na shabu

74

Manila, Philippines – Iginiit ni Bureau of Customs (BOC) Chief Isidro Lapeña na hindi sana makakalusot ang ₱6.8 billion na shabu na ipinuslit sa pamamagitan ng magnetic lifters kung nagkaroon lamang ng timely intelligence report.

Matatandaang apat na walang lamang magnetic lifters ang nadiskubre sa Cavite nitong Miyerkules (Aug. 1), isang araw pagkatapos maharap ang ₱4.3 billion shabu shipment na itinago sa loob ng dalawang magnetic lifters sa Manila International Container Port (MICP).

Ayon kay Lapeña – wala silang prior information na natanggap tungkol sa natagpuang magnetic lifters sa Cavite.

Binigyang diin pa ng BOC ang kahalagahan ng intelligence information sharing at proper coordination ng iba’t-ibang ahensya.

Facebook Comments