Pamahalaan, dapat na makipagnegosasyon na sa mga vaccine manufacturer para sa updated na COVID-19 vaccine

71

Pinakikilos ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ang pamahalaan na makipagugnayan na sa mga vaccine manufacturers upang makabili ng updated na COVID19 vaccine.

Ang ginagawang updated na bakuna ay dahil na rin sa bagong Omicron variant.

Ayon kay Cayetano, ilan sa vaccine manufacturers ang nagpahayag na kanila nang inaaral ang sariling mga bakuna upang maiakma ito at malabanan ang bagong variant.


Sinasabi kasing mahina ang epekto ng mga kasalukuyang bakuna sa Omicron variant.

Kasabay naman nito ay pinapurihan ng dating House Speaker ang isinasagawang matagumpay na 3 day National Vaccination Days.

Aniya, kung kailangan maging malikhain para mahimok ang mas maraming Pilipino na magpabakuna, ay magandang ituloy ang ganitong mga kahalintulad na programa.



Facebook Comments