Pamahalaan, ika-‘calibrate’ ang ilang patakaran kapag patuloy na nilalabag ang quarantine protocols – Pangulong Duterte

29

Handa ang pamahalaan na magpatupad ng mahigpit na patakaran sakaling patuloy na binabalewala at nilalabag ng mga tao ang health at safety protocols laban sa COVID-19.

Sa kanyang public address, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi matatapos ang pandemya kung hindi susunod ang lahat sa health protocols at hindi maniniwala sa COVID-19.


May kapangyarihan aniya ang pamahalaan na kontrolin ang mobility o galaw ng mga tao.

Nakakatanggap kasi ang Pangulo ng mga ulat ng violations sa Mindanao, Bacolod, at Cagayan de Oro kung saan hindi sumusunod ang mga tao sa health at safety protocols.

Facebook Comments