Pamahalaan, maglalabas ng panuntunan sa ventilation requirements sa pagbubukas ng mga sinehan

18

Maglalabas ng guidelines ang pamahalaan para sa kinakailangang ventilation requirements sa mga sinehan sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine na una ng pinayagan ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 o IATF.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang Department of Labor and Employment na ang maglalabas ng nasabing guidelines, alinsunod sa napagpasyahan sa pagpupulong ng IATF.


Aniya kinunsulta naman ng DOLE sa epidemiologist ang hakbang para mabigyan ng ventilation requirements partikular sa mga saradong espasyo, o lugar para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Mananatili naman ang pinaiiral ng DOH na health protocols, habang ang DOLE ay maaaring magbibigay ng karagdagang supplementary guidelines.

Facebook Comments