Pamahalaan, magsasagawa ng back channeling talks sa pagitan ng CPPNDFP

24
Magsasagawa ang pamahalaan ng back channeling talks sa pagitan ng CPP-NPA-NDF.

Ayon kay Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana – ito ay kaugnay sa posibilidad ng muling pagpapatuloy ng pormal na negosasyon ng usapang pangkapayapaan.

Kasabay nito, kinumpirma ni Lorenzana na lumipad na kahapon patungong Europa si Presidential Adviser on the Peace Process Sec. Jesus Dureza upang makipag-usap sa mga negosyador sa panig ng CPP-NPA-NDF.

Pinayagan na rin ng pamahalaan sina NDF negotiators Benito at Wilma Tiamzon na magtungo sa Europa para makaharap si Dureza.

Kagabi naman umalis ang mag-asawang Tiamzon kasama ang isa pa nilang kasapi na si Vic Ladlad.

Facebook Comments