Pamahalaan, nakapagturok na ng 16 milyong COVID-19 vaccines – Dizon

21

Aabot na sa 16 na milyong doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok ng pamahalaan.

Ayon kay National Task Force against COVID-19 Deputy Chief Implementer at Testing Czar Vince Dizon, aabot sa 350,000 doses ang nagagawang maiturok kada araw.


Target aniya ng pamahalaan na maabot ang 500,000 jabs kada araw.

Nalampasan na rin ng National Capital Region (NCR) ang daily vaccination target na 120,000 dahil umaabot na ito ng 130,000 hanggang 150,000 vaccinations kada araw.

Aabot naman sa 5,231,469 individuals ang nakakumpleto ng kanilang doses habang 10,722,442 ang nakatanggap ng unang shot.

Facebook Comments