Pamahalaan ng San Juan City, may paalala sa mga negosyanteng magbabalik operasyon ngayong GCQ

41

Inihayag ni San Juan City Mayor Francis Zamora na kailangang kumuha ng certificate of compliance at health pass o red ID sa City Health Office at sa Business Permits and Licensing Office bago makapagbukas muli ng negosyo sa lungsod.

Iginiit niya na ito ay libre o walang kailangan bayaran para makakuha ng naturang mga requirement.


Maliban dito, kailangan din na magsubmit ng kanilang mga return to work plans sa mga nabanggit na opisina ng pamahalaang lokal ng lungsod.

Ito ang kaniyang ipinatupad na mga alituntunin para sa lahat ng mga negosyo sa San Juan na nagsara noong Enhanced Community Quarantine (ECQ) at muling magbubukas ngayong General Community Quarantine (GCQ).

Aniya, ito ang patunay na na-screen ang kanilang mga empleyado bago magbalik operasyon ang kanilang mga negosyo para sa kaligtasan ng lahat.

Facebook Comments