Pamahalaan, pipilitin na matapos ang gulo sa Marawi bago ang ikalawang State of the Nation Address ni P-Duterte

183

Manila, Philippines – Pipilitin ng pamahalaan na bago ang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 24 ay matigil na ang gulo sa Marawi City.

Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, nakakaramdam siya ngayon ng pressure lalo’t ang gusto niya ay wala ng gulo sa Marawi bago mag-SONA ang pangulo.


Nakipag-ugnayan na rin aniya siya kay Armed Forces Chief of Staff Gen. Eduardo Año at sinabi nitong isang linggo na lang at matatapos na ang gulo sa Marawi City.

Sa ngayon kasi ay nagpapatayan na mismo ang mga natitirang miyembro ng Maute sa Marawi.

Patuloy din aniya ang kanilang panawagan sa mga terorista na sumuko na lang pero sadyang matigas ang mga ito at patuloy pa ring nakikipaglaban sa pamahalaan.

*




Facebook Comments