Pamahalaan, sinisikap na makuha ang epektibong COVID vaccines – Panelo

34

Pursigido ang pamahalaan na gamitin ang lahat ng paraan para makuha ang epektibong bakuna laban sa COVID-19 kahit malaking hamon ito.

Ito ang depensa ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa mga sabi-sabing mabagal ang gobyerno sa pagkuha ng bakuna.


Ayon kay Panelo, naghahanap ang gobyerno ng mga posibleng paraan para magkaroon ng bakuna kabilang na rito ang paghahanap ng local at international partners.

Mayroon nang manpower at resources para sa vaccine procurement.

Iginiit ni Panelo na ang pagbili ng bakuna ay hindi basta-basta dahil tumataas nag demand para dito.

Pagtitiyak ni Panelo na gumugulong nangg maayos ang vaccine procurement sa ilalim ng pamamahala ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr.




Facebook Comments