Pamahalaang lokal ng San Juan, hinikayat ang mga magulang na sagutan ang survey para sa libreng tablet

30

Nakiusap si San Juan City Mayor Francisco Zamora sa mga magulang at guardian na sagutan ang kanilang survey kaugnay sa pamimigay ng tablet sa mga mag-aaral ng mga public school ng lungsod.

Ayon kay Zamora, kailangan nila ang exact address kung saan nakatira ang mga mag-aaral ng pampublikong paaralan ng lungsod para maihatid ang mga tablet sa kanilang mga tahanan.


Aniya, ang ipapamahagi na tablet ay inisyatibo ng lokal na pamahalaan ng lungsod para suportahan ang mga mag-aaral na hindi kayang makabili ng gadgets para sa distance learning para sa School Year 2020-2021.

Ang dapat lang gawin aniya ng isang magulang o guardian ay bisitahin ang kanilang website o scan ang QR code para masagutan ang survey, ito rin ay makikita sa kanilang official Facebook account.

Kailangan aniya ito ay masumite bago mag-August 31, 2020.

Facebook Comments