Pamahalaang lokal ng San Juan, magsasagawa ng Libreng Cataract Operation

28
Photo Courtesy: San Juan City | Facebook

Inanunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan na magbibigay ito ng libreng cataract operation para sa mga residente nito.

Ayon kay Mayor Francis Zamora, ito ay “All-In” na ibig sabihin ay kasama na rito ang lens at actual procedures.


Kaya naman panawagan niya sa mga residenteng malabo ang mga mata na huwag nang magtiis at agad na makipag-ugnayan para muling maibalik ang malinaw na paningin.

Para sa mga gustong magpalista na mga taga-lungsod ng San Juan, maaaring tumawag sa Office of the Mayor sa cellphone number 0956-529-7286 at 0961-680-5514 at hanapin si Anjanneth o Lyka para katanungan at requirements.

Facebook Comments