Pamahalaang lokal ng San Juan, nakiisa sa pagdiriwang ngayong araw ng World Car Free Day!

43

Nanawagan si San Juan Mayor Francis Zamora sa mga residente ng lungsod na kaniyang pinamumunuan na huwag muna gumamit ng kanilang mga kotse at isulong ang mas environment-friendly na pagbiyahe.

Ang panawagan na ito ng alkalde ng San Juan ay bilang bahagi ng kanilang pakikiisa sa pagdiriwang ng World Car Free Day ngayong araw.

Aniya, kung pwedeng maglakad muna sa mga lalabas ng bahay patungo sa kanilang mga trabaho at mamimili ng kanilang mga pangangailangan, lalo kung malapit lang ang kanilang mga destinasyon.

Maaari ring gumamit ng bisikleta kung malayo ang pupuntahan.

Kasabay nito, isinagawa naman ng San Juan City Government ang “SabaySaBike” na ginawa sa buong Metro Manila bilang adbokasiya ng lungsod na #CarFreeCareFree!

Facebook Comments