Pamahalaang lungsod ng San Juan, inutusan ang mga establisyemento na magbigay ng insentibo sa mga bakunadong customer

232

Hinikayat ni San Juan City Mayor Francisco Zamora ang mga may-ari at namamahala ng mga establisyemento sa lungsod na bigyan ng discounts at incentives ang kanilang mga bakunadong customer.

Ito’y matapos lagdaan ng alkade ang Executive Order No. 82 o isang kautusan para sa mga business establishment ng lungsod na magbigay incentives o discounts sa indibidwal na nabigyan na ng first at second dose ng COVID-19 vaccine.


Nakapaloob sa nasabing kautusan na upang maka-avail ng incentive at discounts, kailangang ipakita ng isang customer ang kanyang orihinal na kopya ng kanyang vaccination card sa establisyimento.

Para naman mga establisyimentong nais maging parte ng nasabing programa, kailangan magpa-register sa Business Permit and License Office (BPLO) ng lungsod.

Pagkatapos nito, bibigyan ang isang establisiyemento ng Vaccination Participation Certificate na kanilang ilalagay sa mga lugar na madaling makita ng kanilang mga customer.

Dagdag pa ni Zamora, ilalathalata rin nila sa official Facebook account at sa iba pang social media pages ng pamahalaang lungsod ang mga participating establishments sa nasabing incentive program upang malaman ng publiko.



Facebook Comments