Pamamahagi ng 2nd tranche ng Social Amelioration Program, sisimulan na ng DSWD

Sisimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong buwan ang pamamahagi ng ikalawang bugso ng cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, nakumpleto na nila ang guidelines sa 2nd tranche ng SAP cash assistance.

Sa pagkakataong ito, gagamit na aniya sila ng online at ‘Relief Agad’ application sa mga smart phone para maiwasan ang anomalya sa pamamahagi ng SAP at mapabilis ang proseso nito.


Aniya, nagpapatuloy din ang kanilang validation para masigurong hindi na mauulit ang mga pagkakamali sa unang pamamahagi ng ayuda.

Facebook Comments