Pamamahagi ng ECQ cash aid, tatapusin ng DILG sa susunod na linggo

22

Target ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na matapos ang pamamahagi ng “ECQ ayuda” sa susunod na linggo.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, mahigit 21 milyon o 92.44% na ng mga benepisyaryo sa Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal ang nabigyan ng tulong pinansyal hanggang kahapon.


Kada benepisyaryo ay tumanggap ng P1,000 ayuda o maximum na P4,000 kada low-income family.

Nasa P21.18 bilyon mula sa kabuuang P22.9 bilyong alokasyon para sa cash aid ang nailabas na ng gobyerno.

Tiniyak naman ni Año na tutugunan din nila ang lahat ng mga reklamong natatanggap ng kanilang grievance and appeals committee.

Facebook Comments