Pamamahagi ng food packs sa mga residente ng Antipolo City, nagpapatuloy

27

Tuloy-tuloy ang ginagawang pamamahagi ng food pack ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo City sa mga residente nito na apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Nagsasagawa ngayon ng repacking nga mga pagkain sa Antipolo Sports Hub at Events Center, kung saan ay nagsagawa sila ng 24 oras ang operasyon  na pinangungunahan ng mga volunteer at mga empleyado ng lungsod.


Pero paliwanag ng Antipolo City Government, may ilang Barangay na mauuna kesa sa iba.

Ito ay sa kadahilanang hindi kaya ng supplier ng canned goods at bigas na sabay-sabayin ang bentahan dahil buong Luzon ang nag-aagawan sa supplies.

Facebook Comments