Pamamahagi ng mga t-shirt at candy ng mga kandidato, hindi pinagbabawalan

Hindi pinagbabawalan ng Commission on Elections (Comelec) ang pamimigay ng mga kandidato ng t-shirt at mga candy habang nangangampanya.

Paliwanag ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, hindi naman sapat ang mga kendi at damit upang makabili ng boto.

Pero paalala ni Garcia, gamitin dapat ng mga botante ang mga natitirang araw bago ang halalan, upang kilatising mabuti kung sino ang karapat-dapat maluklok sa pwesto.

Bukod sa mga t-shirt at candy, hindi na rin pinagbawalan ng poll body na mamigay ang mga kandidato ng mga baller at sombrero.

Iiral ang campaign period hanggang May 10 maliban sa April 17 at 18 na Huwebes Santo at Biyernes Santo.

Facebook Comments