Pamamahagi ng Social Pension ng mga Senior Citizen sa Region 2, Sisimulan na sa Setyembre

Cauayan City, Isabela-Inihahanda na ang pagtanggap ng Social Pension ng mga Senior Citizen mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 sa buwan ng September 2020.

Ito ay para sa 2020 Second Semester Social Pension Payout.

Ayon sa DSWD, mayroong 218,659 beneficiaries para sa buong rehiyon ang makatatanggap ng ‘SOCPEN’.


Ilan naman sa mga kwalipikadong tatanggap nito ay ang mga sumusunod:

· Mahina,may sakit o karamdaman at may kapansanan

· Walang natatanggap na pension mula sa Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS), Phil. Veterans Affairs (PVAO), Armed Forces at Police Mutual Benefit Association, Inc. (AFPMBAI) o sa kahit anong insurance company.

· Walang permanenting pinagkukunan ng kita; at

· Walang regular na natatanggap na suporta mula sa kanyang pamilya o kamag-anak para sa kanyang pangunahing pangangailangan.

Sa kabuuan, inilaan ang pondong nagkakahalaga ng P655,977,000.00 para sa lahat ng senior citizen.

Facebook Comments