PAMAMARIL | 11 – Patay sa pamamaril sa Pittsburgh, Pennsylvania, suspek – sumuko na

Hawak na ng mga otoridad ang suspek sa pagpatay sa labing-isang katao sa Pittsburgh, Pennsylvania.

Kinilala ang suspek na si Robert Bowers, 46-anyos.

Ayon sa mga otoridad, sumuko ito matapos magwala at mamaril sa loob ng isang synagogue.


Kinondena naman ni U.S. President Donald Trump ang insidente na tinawag niyang “terrible thing”.

Giit pa niya, kung may armadong bantay lang sa loob ng templo, mapipigilan sana nito ang ginawang krimen ng suspek.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Federal Bureau of Investigation sa pangyayari na ikinokonsidera nila bilang “hate crime”.

Facebook Comments