PAMAMARIL | Dating piskal sa Ozamis City, patay matapos pagbabarilin

Ozamis City – Patay ang dating piskal ng Ozamis City makaraang pagbabarilin sa Barangay 50th District sa Ozamis City, Misamis Occidental.

Nakilala ang nasawing piskal na si Atty. Geronimo Marabe Jr.

Sa ulat ni PNP Region 10 Spokesperson Superintendent Lemuel Gonda, pinagbabaril ang biktima ng apat na mga kalalakihan habang sakay nang kanyang sasakyan.


Isinugod pa ito sa ospital pero idineklarang dead in arrival.
Sa ulat pa ng PNP, ang nasawing piskal ay kakilala ng pamilya Parojinog sa Ozamis City.

Facebook Comments