PAMAMARIL | Isang hukom sa Camarines Sur, patay matapos pagbabarilin

240

Camarines Sur – Namatay habang ginagamot sa isang ospital ang isang judge matapos na barilin sa Zone 3, Sta. Maria, Presentacion, Camarines Sur.

Nakilala ang biktima na si Judge Ricky Begino, 49-anyos habang ang suspek ay kinilalang si Wilfredo Armea.

Tama ng bala ng baril sa leeg at katawan ang tinamo ng biktima na agad namang naisugod sa ospital pero namatay din makalipas ang ilang oras.

Agad naman nakatakas ang suspek na ngayon ay patuloy na pinaghahanap ng mga pulis.

Nabatid na si Judge Begino ang presiding judge ng municipal trial court ng mga bayan ng San Jose, Lagonoy at Presentacion, Camarines Sur.

Facebook Comments