PAMAMARIL | Lalaki patay matapos barilin sa Cainta, Rizal

Dead on arrival sa hospital ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng riding in tandem criminal sa Barangay Sto. NiƱo Cainta, Rizal.

Nakilala ang biktima na si Charlie Espinosa na tinamaan ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Sa initial na imbestigasyon ng Cainta Police, nakahinto sa traffic light ang sasakyan ng biktima ng hintuan ng riding in tandem criminal. Ang back rider ang nagsilbing hitman at mabilis tumakas gamit ang motorsiklo.


Sinubukan pang dalhin si Charlie sa pagamutan ng isang nagmalasakit na ng motorista pero hindi na umabot buhay.

Ayon sa ama ng biktima na nakasakay din sa kotse ng mangyari ang pamamaril.

Magwi-withdraw lang sana sila ng pera sa bangko ng mangyari ang krimen.

Palaisipan pa ang motibo sa pag pagpatay habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Facebook Comments