PAMAMARIL | Lalaki, patay matapos pagbabarilin sa loob ng computer shop sa Navotas City

Navotas City – Inaalam na ng mga otoridad ang motibo sa pagpatay sa isang lalaki habang nasa loob ng computer shop sa Barangay Tangos, Navotas City.

Sa ulat, wala pang pagkakalilanlan ang biktima na binaril habang naglalaro sa computer shop kung saan isang lalaking naka-sumbrero ang nakitang bumira dito.

Dumating naman ang magulang ng biktima pero hindi ito makausap dahil halos maglupasay ang nanay matapos makitang wala ng buhay ang anak.


Sinisilip ngayon ng pulisya kung nahagip ng CCTV ang paglabas ng suspek sa nasabing computer shop para malaman kung sino ang nasa likod ng pagpatay.

Facebook Comments