Pamangkin ni dating pangulong GMA, inilipat ni Pangulong Duterte sa bagong posisyon

919

Inilipat ni Pangulong Rodrigo Duterte si Michael Ted “Mike” Macapagal sa bagong posisyon.

Sa inilabas na listahan ng mga bagong appointee ng Palasyo, may petsang September 6, 2019 si Macapagal ay itinalaga bilang bagong Board of Directors ng Philippine National Oil Company o PNOC.


Si Macapagal ay una ng itinalaga ng Chief Executive sa Clark Development Corporation noong February 2018.

Papalitan ni Macapagal sa PNOC si retired general Benjamin Magalong na ngayo’y alkalde na ng Baguio City.

Bukod sa malapit na kaanak ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, si Mike Macapagal ay tumatayo ring Presidente ng PDP -Laban sa  Olongapo-Zambales chapter.

Facebook Comments

From Advertisers