Pamasahe sa eroplano, posibleng tumaas sa susunod na buwan

Tataas muli ang singil sa passenger and cargo fuel surcharge.

Ito ay kasunod ng anunsiyo ng Civil Aeronautics Board kung saan muling ibinalik sa Level 5 ang fuel surcharge rate epektibo ngayong Marso.

Sa ilalim ng Level 5 Rate ay pinapayagan ang mga airline na maningil ng fuel surcharge ng nasa ₱150 hanggang ₱500 para sa domestic flights at halos ₱500 hanggang ₱3700 naman para sa international flights na siyang idadagdag sa airline ticket base fare ng mga pasahero.


Noong nakaraang Oktubre 2024 ay ibinaba sa Level 4 ang fuel surcharge rate mula sa Level 5 dahil nanatili sa Level 4 ang fuel surcharge kaya wala halos naging paggalaw sa presyo ng pamasahe sa eroplano sa nakalipas na limang buwan.

 

Facebook Comments